Bat kasi ganon enoh, mahal nyo naman ang isa’t isa pero away kayo ng away?

Natawa ko. Kanina kasi paguwi ko may nasalubong akong kumaladkad sakin para sabayan siya kumain. Pinagpilitan nya talaga yan, nilibre na nga lang nya ko para sumama ko sa kanya eh haha. Nagtaka ren ako non kasi di naman yun madalas manlibre, ayun pala, may publema kasi sa lablayp haha.

Angdami nyang sinabi kanina, at angdami ko ren sinagot kanina haha, pero eto na lang  ang ififeature ko (feature talaga?) natawa kasi ako sa reaksyon nya dyan, iiyak na talaga siya eh.

Nong sinabi pa nga nya yan, todo dipa pa sya sa sobrang damang dama niya nyang mga sinsabi nya eh. At bago pa siya tuluyang maiyak, sumagot na ko

” kasi nga mahal nyo isa’t isa eh. Kung di kayo nag-aaway, ibig sabihin non wala kayo pakialam sa isa’t isa. Magaaway talaga kayo kasi parehas kayo may pakialam. Gets? “

sablay. lalo siya naluha ahaha.

May 15th / 0 notes †
12:04 na ngayon, ibig sabihin, 36 hrs na kong gising straight…

Lakas ng loob kong mag-AM Shift. Suicidal itech.
At  lulubusin ko na, out ako 12:30 :)


~~ so hardcore?!? 

May 15th / 0 notes †
Love doesn’t have to feel good in order to exist. May 9th / 0 notes †

Supermoon! 

Napapadalas ata ang supermoon at eclipses ngayon? Nong nakaraang araw nagkulay pula naman yong langit, di ko nga lang nakita kasi nakakulong pa ko sa office non eh. Pero totoo, parang maya’t maya talaga ang eclipse haahah! nakakatuwa na, medyo weird. Minsan wala na ngang thrill :D

May 6th / 1 note †
[Flash 9 is required to listen to audio.]
3 plays

hello saturday nyaha. magsisix na ko nagising, di na ko nakaalis! kamusta naman kasi kanina lang akong 8am umuwi galing trabaho. Ayos sa shift eh, 2pm-8am??

heniways, eto na naman ang mga feeler kong post ng audio haha. may sinubukan lang akong tugtugin kanina, soundtrip ko yon kanina sa trabaho, eh ang hirap takte! yamot . ayan na lang tuloy, bumagsak ako dyan haha. tinapos ko lang, bitin yong trial ko nong nakaraan eh wahehe. kaya lang wala namang tong inayos :( lalo pa ngang naging nakakaantok amp.

May 5th / 0 notes †
I am a lover because I have felt hate.

nabasa ko lang. very nice :)

May 5th / 0 notes †

kung gano kasagana kahapon, ganon kablanko ngayon hahaha!
Nagsisulputan lang ata sila kahapon bigla dahil nabadtrip na ko sa ofis eh. Sabay-sabay talaga sila, di ko yun na-imagine haha. Ngayon kasi napakaligalig ko kaya siguro wala man lang nagparamdam sa kanila kahit isa para i-cheer ako. yes te?? hahahaha. Pero ibang klase talaga primero ng Mayo ko, ngayon ko lang yan na-realize.
BOOM eh :) 

May 2nd / 0 notes †
HELLO MAY!!!

Di na ko nakapag-welcome, at balak ko pa nga sanang mag-summarize na lang ng mga nangyare nong April dahil di na nga ko nakakapag-post, eh hinde ko ren nagawa. Ang gulo kasi ng sched ko eh, ay teka, ako lang pala talaga ‘yung magulo, 6am-2pm na kasi dapat ako ngayon, eh hinde ako magising dahil di ren ako makatulog ng maaga, pumasok ako nong lunes, 7:30 na! haahha. Kahapon naman (May 1) buti nalang holiday, alas diyes na ko nakarating tas yung kanina, di talaga ko bumangon! Nagdesisyon ako mag-isa na 2-10 ang shift ko ngayon! hahahaha! Buti di ako nasermunan pag pasok :D

Pero pramis gagawin ko talaga yung April post, andami ko kasing kwento dun eh wahehe. Malay naten baka maya-maya eh ayon na pala yung tinatayp ko :)

May 2nd / 0 notes †
Ain’t love the sweetest thing ♥

U2, The Sweetest thing.

Andami ko ng naisip i-post sayo Tumblr my dear, pero kailan ko kaya sila magagawa? Tinopak na naman ako kanina, bat ko ba yon ginagawa? Tas magrereklamo ako? haha! Super labo men. 

Apr 23rd / 0 notes †

Harujuskopo, antagal na netong passport ko ngayon ko lang naalala i-blog! …ok, sige. Di ko talaga siya naalala, inabot lang kasi yan sakin ni mama kanina, pakalat-kalat ata. At oo, ang ibig sabihin lang nyan eh nalimutan ko na siya totally haha! Nong April 2 pa yan nakuha ni ate eh, may pasok kasi ko non kaya siya na lang nag-claim. Sa ngayon di pa ko decided kung kelan ako aalis ng Thomson at aakyat ng barko eh, pero fixed na yung desisyon kong aalis ako ng Thomson one day at aakyat ng barko :) di bale matagal pa naman yun expiration nya eh, 5 years pa. Ewan ko na lang kung di pa ko makapagisip nyan ahaha!

Apr 22nd / 0 notes †
[Flash 9 is required to listen to audio.]
11 plays

Na-LSS ako eh. At champion lang maki-blending ng aso ng kapitbahay namen hahaha! Subok ulet! Medyo madali ulet yung chords eh haha :)

Wapakels. Blog ko ‘to eh. At andami ko sanang sasabihin at ipopost ngayon kaya lang wala na talaga ko energy eh, nahigop na ng Voyager. Nagsasoundtrip na lang muna ko, maya dapa na ko neto sa kama. Gusto ko na talaga ng pahinga!! Pina-oOT pa kami sa Sabado, kamote amp.

Apr 19th / 1 note †

Apr 19th / 0 notes †

041712. Anong meron sa araw na ‘to at bigla ko na lang naisipang wag pumasok? San ako humugot ng lakas ng loob mag-text kay Ms. Cel na SL ako kahit kakagising lang? Andami kong trabahong di pinasukan don amp. Pero at the end of the day (yes? haha) di ako nagsisi. Parang kailangan ko talaga ‘tong pahingang ‘to. Ang totoo, kala ko linggo ngayon! Nag-abang ako ng Vice Ganda! Hahaha! At higit sa lahat (yes higit sa lahat talaga? Haha) nakapagusap at nakapaglaro kami kahit kaunte, di pa sa kanyang log yung gamit. Ginamit nya pa yung log ng pinsan namin haha! Naisip ko nga kanina bago ko to gawin, siguro namimiss ko na nga yon, di ko lang namamalayan haha. O alam ko naman, dinededma ko lang haha. Saklap.

Speaking ng saklap, LAGLAG na naman yung Ginebra!! Pucha iyak ako eh! T.T Di ko talaga napigilan non tinatanong ako ni ate!! HAhahaha! Naiiyak naman talaga ko lage eh.. Sabi na lang nya, “Di ka na nasanay dyan sa Ginebra..” Tama nga naman, May punto nga naman. Eh ganon talaga eh. Na-dobleng pagka-broken hearted ko kanina eh, nanghina talaga ko shacks! Parang nahigop lahat bigla ni Son Gokou yung energy ko! :(

Ayon, pasok na ulet bukas. Tamlay.

Teka, shaks namimiss ko na nga amp! Di ako dapat solo flight pag gantong oras eh. Ano bang nangyare!??! Ay tae, ako pala may kasalanan non kamote. Amp to the nth power. Parang sana di na lang nga ata kami nakapagusap. Parang ok naman ako nong mga nakaraang araw. Hay anlabo ko na naman. 

♪ Oh can you tell, I haven’t slept very well since the last time that we spoke..

Apr 17th / 0 notes †

Thomson Reuters Fundamentals/BID/QC Summer Outing!

April 14, 2012. Eagle Point, Mabini Anilao Batangas.

As usual, wala kong tulog. Ke-aga naman kasi! Pero tama lang yon, dahil wagas ang biyahe namen! Kamusta naman ang shuttle nilang jeep lang pero pang-Space Shuttle ang biyahe haha! Ang totoo, ‘yun talaga ang inenjoy ko sa trip na yan haha! Malupet talaga magmaneho sila Manong Driver, grabe daig pa nila mga professional drifters sa mga pihit don sa gubat amp. Kanto kung kanto! Partida pa, naka-slope pa ang mga kantong yan haha!

Pero sobrang ganda talaga nong lugar. Bow talaga ko sa’yo Papa God! Wala talagang tatalo sa likha Mo. Kung ako lang siguro nandon, baka umiyak pa ko sa sobrang ganda. Pero yun yong nakakalungkot don eh, hinde ako mag-isa dyan sa isla pero loner ako! Kamote. Wala tuloy kasama mag-photo op! May mga nahila akong iilan pareparehas di marunong mag-picture nyaha! Anyway, wala akong ni katiting na pagsisisi na sumama ako kahit alam kong ganyan nga ang mangyayari sakin haha! Sobrang solved ako sa nakita ko eh. Bumawi nalang ako sa pagkain! Nyaha :) Salamat Papa God! 

Apr 16th / 0 notes †

Apr 16th / 0 notes †

»